Wanted sa Pagpatay Tiklo sa NAIA
Inaresto ng pinagsanib na puwersa ng Philippine National Police (PNP) Aviation Security Group (AVSEGROUP) ,Quezon City Criminal Investigation and Detection Group (QCDFU) at mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang isang lalaki na wanted sa pagpatay 28 anyos na ang nakakalipas.
Ayon sa report ang suspek ay isang 51 anyos, at nahuli ito bago makasakay sa kanyang flight papuntang Kuala Lumpur.
At batay sa impormasyon na-intercept ito sa may departure area ng NAIA terminal 3 dahil sa isang impormante.
Agad naman ito ilinipat sa kustudiya ng CIDG-QCDFU, at kasalukuyang naga-ubdergo ng legal proceedings bago i-turn over sa korte. (froilan morallos)