Wanted na Dayuhan Tiklo sa NAIA
Inaresto ng Philippine National Police-Aviation Security Group ( PNP- AVSEGROUP) ang isang Chinese national na wanted sa Makati City sa may Cargo Police Station 1 (CPS) malapit sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal.
Dinampot ito kahapon (April 14) dahil sa kadu-duda kilos habang naghihingi ng tubig sa mga kawani ng CPS personnel.
Sa isinagawang pagsisiyasat nadiskobre sa computer na mayroon itong Warrant Arrest na inisyu ng Makati Regional Trial Court ng magkakaibang branch, dahil sa hindi pagsunod sa kautuasan ng korte.
Itong suspek ay nasa kustudiya ng PNP AVESEGROUP at nakatakda i-turn over sa korte. (froilan morallos)