Walong Dayuhan Tiklo Sa Isabela
Walong dayuhan ang dinampot ng mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) sa Isabela resulta sa walang humpay na operasyon ng mga ito laban sa mga foreigner na konektado sa illegal mining sa ibat-ibang lugar lugar sa bansa.
Ayon kay BI Commissioner Joel Anthony Viado nahuli ang mga ito noong September 23, habang nagtratrabaho sa loob ng minahan sa Sitio Dimakawal, Barangay Bukal Norte, Dinapigue lalawigan ng Isabela.
At ayon sa report naaresto ang mga ito sa tulong ng Regional Intelligence Operation Units (RIOU) ng Cordillera Administrative Region, Armed Forces of the Philippines, National Bureau of Investigation, Isabela District Office, Philippine Navy, Dinapigue Isabela Police Station at government intelligence forces.
Kabilang sa mga inaresto ay ang pitong Chinese at isang Taiwanese national, habang nagtratrabaho sa isang copper at gold mining sa binabanggit na lugar.
Ayon kay BI Intelligence Division Chief Fortunate Manahan jr. inaresto ang mga Ito bunsod sa paglabag ng Philippine Immigration Act of 1940, dahil sa pagtratrabaho sa bansa ng walang visa ,working permit at sa kanilang pagiging undocumented alien. (Froilan Morallos)