Walang Epekto ang Limang Minuto Brown Out Sa NAIA
Halos tumagal ng limang minuto ng mawala ng kuryenti o power interruption sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 2, dahil sa biglang pagkamatay ng power generator na siyang nagsu-supply ng naia terminal 2.
Ayon sa pahayag ng Manila International Airport Authority (MIAA) Media Affairs nangyari ito bandang alas 10:00 kahapon ng umaga, matapos ang isinagawang inspection ni Department of Transportation Secretary Jaime Bautista at MIAA General Manager Eric Ines.
Wala naman napaulat na cancelled o delayed flight sapagkat agad naman ito naibalik ang
kuryenti sa tulong ng Meralco. Sa kasalukuyang nagsasagawa ng imbestigasyon ang mga tauhan ng MIAA upang matukoy ang naging sanhi o dahilan sa pag-shot off ng power generator. (Froilan Morallos)