USEC At ASEC Sa DPWH Unti-Unti Naglalaho
Unti-unti nagsisipag-resigned ang mga Undersecretary at Assistance Secretary ng Department of Public Works and Highways, matapos mabulgar ang talamak at walang humpay na corruption sa loob ng ahensiyang ito, ayon sa isang insider.
Ayon sa pahayag ng naturang taga loob sa sampong Undersecretary dalawa na lamang ang nananatili sa kanilang puwesto, na kinabibilang ni Senior Undersecretary Sadain at USEC Ador Canlas na humalili sa puwesto ni USEC Bernardo.
Batay sa impormasyon unang nagbitiw si Eugenio Pipo ang humahawak sa operasyon ng Northern Luzon, sumunod si USEC Carlos Mutuc, ang tinaguriang hatchet man ni dating Secretary Manuel Bonoan, at sinundan pa ng iba pang mga USEC.
Bukod sa mga USEC at ASEC nakatakda na rin magsipag-resigned ang lahat ng mga Director sa buong rehiyon, bago ipatupad ni DPWH Secretary Vinz Dizon ang pangkalahatan sibakan blows sa mga Director na dawit sa manomalayang flood control projects.
Samantalang ipinag-utos na rin ng kalihim na i-freezed ang mga bank accounts ng mga Director na dawit sa gusot, kasabay ang look out bulletin laban sa mga ito, upang hindi makatakas sa kanilang pananagutan sa taong bayan. (Froilan Morallos)