Upos ng Segarilyo ang Pinagmulan ng sunog sa Parking Area ng NAIA 3

Upos ng segarilyo ang pinagmulan ng pagkasunog ng 19 USV sa open parking area ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) terminal 3, ayon sa mga imbestigador ng Bureau of Fire Protection (BFP).
Ayon sa report ng BFP arson investigator cigarette butt na itinapon sa likod ng SUV Toyota Fortuner na nakaparada sa open parking area ng naia 3, ang siyang itinuturong o pangunahing dahilan sa pagliyab ng mga tuyong damong na nakapaligid sa parking area.
Batay sa nakalap na impormasyon nangyari ang sunog noong april 22, 2024 mga bandang ala 1:28 ng hapon at na apula ang apoy ala 1:56 ng hapon.
Sinubukan ng dalawang security gaurd na apulahin ang apoy gamit ang fire extinguisher , ngunit bigo ang mga ito, dahil mabilis na kumalat ito dulot sa malakas na hangin na siyang nagpalawak ng sunog.
At sa tulong ng Manila International Airport Authority (MIAA) fire trucks at fire trucks ng kalapit na barangay mabilis na apula at napahinto ang pagkalat ng apoy. (froilan morallos)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *