Tumaas Ang Bilang Ng Mga Pasahero Sa NAIA
Inaasahan ng Manila International Airport Authority (MIAA) ang pagbulusok ng mga pasahero sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) sa lingong ito, ayon sa ilang opisyal ng ahensiyang ito, matapos ang selebrasyon ng Holiday season
Ayon kay MIAA Public Affairs Office Connie Bungag nagsimula na kahapon ng umaga ang pagtaas ng bilang ng mga pasahero sa apat na airport ng naia, at aniya tinatayang aabot sa 120 hanggang 130 tawsan ang average ng arriving passengers at outbound passengers kada araw.
At kahapon halos mapuno ang departure area ng mga paliparan. kasama na dito ang inbound at out bound passengers.
Magkakasunod din dumating kahapon ng umaga ang dalawang Philippine Airlines (PAL) flight galing Dammam at Dubai.
Tiniyak naman ni Miss Bungag na handa ang kanilang mga tauhan na matugunan ang seguridad ng papaalis at paparating na mga pasahero.