Transit Lounge Pinasinayaan sa NAIA

Binuksan kahapon ng hapon ng Manila International Airport Authority (MIAA) sa pakikipagtulungan ng Philippine Airlines (PAL) ang Transit Lounge sa Manila International Airport (NAIA) terminal 1.

Ang transit launge na ito ay matatagpuan sa Pre-departure katabi ng Overseas Filipino Workers (OFW) lounge na binuksan kamakailan.

Ayon sa pamunuan ng MIAA bukas ito ng 24 oras, upang mabigyan ng komportableng at maka-relax ang mga pasaherong mayroon connecting flights.

Batay sa nagging kasunduan sa pagitan ng dalawang ahensiya, ang PAL ang siyang magpro-provide ng comportable upuan, charging stations, showers facilities, at amusement options.

Habang ang MIAA ang magiging responsable sa maintenance. (froilan morallos)            

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *