Tinapos Kamakailan ang Rehabilitasyon ng 50 Anyos na Tulay sa Abra

Natapos ang rehabilitasyon ng Don Mariano Marcos bridge, sa pupursige ng Abra District Engineering Office, ayon sa report na nakarating kay Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Manuel Bonoan.

 

Ang tulay na ito ay matatagpuan sa kahabaan ng Abra-Kalinga road, na siyang pinakamalapit na daan patungo sa Munsipyo ng Dolores Abra, at sa mga Barangay ng Bumagcat, Tayum at Mudiit.

 

Ayon kay DPWH-CAR Director Khadaffy Tanggol ang 50 anyos na tulay ay kinakailangan ng retrofitting upang makamit ang tinatawag na seismic load requirements structure and to conform to the latest standard design guidelines, criteria, and specification ng departamento.

 

Ito ay pinoduhan ng halagang 96.5 milyon pesos mula sa General Appropriation Act (GAA) 2024.(froilan morallos)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *