Taxi Driver na Sumingil ng Sobra Sa pasahero Natukoy ng NNIC

Natukoy ng New NAIA Infra Corp. (NNIC) ang napaulat na taxi driver na sumingil sa pasahero ng 1,200 pesos mula sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) terminal 3 papunta sa naia terminal 2.

Sa inisyal findings ng NNIC ang nasabing taxi ay hindi accredited transport provider na otorisado na mag-pick ng pasahero sa airport.

Sa ilalim ng umiiral na regulasyon sa naia, ang accredited Transport Network vehicle Services (TNVS), katulad ng Grab, Jouride , at super taxi ang may pahintulot na mag-pick up ng pasahero sa loob ng Paliparan.

Ang mga metered taxi ay pinahihintulutan na pumasok sa airport upang magbaba ng kanilang pasahero sa airport, bagkus bawal sa kanila ang pumik-up ng pasahero.

Habang iisinusulat ang balitang ito, kinansela na ang driver license ng taxi driver at pansamantalang sinuspendi ang prankisa ng mayari ng taxi habang gumuglong ang imbestigasyon sa Land Transportation Office (LTO) at Land Franchising Regulatory Board (LTFRB). (froilan morallos)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *