Tatlong Tsikwa Tiklo sa Clark Pampanga
Naaresto ng pinagsanib na grupo ng Bureau of Immigration (BI) at ng Presidential Anti-Organized Crime (PAOCC) ang tatlong illegal alien na nagtratrabaho sa Resort Villa sa Clark Pampanga.
Kinilala ang tatlo na sina Huang Shuzhen 23, Chen Qianfang 46 at Huang Zaicheng 54 anyos, mga Chinese national,at nahuli ang mga ito sa isinagawang raid sa naturang establisyemento nitong nakaraang June 28.
Ayon kay BI intelligence Division Chief Fortunato Manahan, Jr., nasakote ang mga ito sa pakikipagtulungan ng Clark Development Corporation (CDC) at ng Armed Forces of the Philippines (AFP).
Batay sa impormasyon na nakalap ng payagang ito, ang Resort Villa ay matatagpuan sa loob ng Fontana Leisure Park ng Clark Free Zone sa Angeles City Pampanga.
Agad na dinala ang tatlo sa opisina ng PAOCC sa Pasay City, upang sumailalim ng masusing imbestigasyon. (froilan morallos)