Tatlong suspek sa Human Trafficking Sinampahan ng Kaso sa Korte

Pormal na sinampahan ng kaso sa korte ng National Bureau of Investigation (NBI), na nakatalaga sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang tatlong suspek na sangkot sa illegal recruitment at human trafficking.

Nag-ugat ang kaso ng tatlong suspek dahil sa reklamo ng pitong OFW na biktima ng human trafficking sa Cambodia.

Ayon sa report nakauwi sa bansa ang mga ito noong April 24 sa pakikipagtulungan ng pamahalaan sa ibat-ibang sangay ng gobyerno, na kinabibilangan ng DFA, OWWA, DMW, DSWD, at ng Philippine Embassy in Cambodia.

Ayon naman sa pahayag ng Bureau of Immigration (BI), na siyang nanguna sa naturang imbestigasyon, pinangakuhan ang mga ito ng magandang trabaho, bagkus humantong sa Cyber scam operation at physical abuse.

Sinabi ng mga biktima na-recruit sila thru-online, then instructed to pose as tourist to evade detection by immigration personnel.

At aniya pagdating nila sa Myanmar, ikinulong sa scam compounds kung saan ibenitin, kinuryenti at hindi pasasahurin kapag hindi nakakuha sa quota.

Sa kabila ng mapait na karanasan,natatakot pa rin mag-testify itong mga biktima, dahil anila alam naming na malakas ang connection sa gobyerno ang aming kalaban.(froilan morallos)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *