Tatlong Pot Pitong Chinese Nationals Timbog sa Parañaque

Inaresto ng mga tauhan ng Intelligence Division ng Bureau of Immigration (BI) ang 37 Chinese national na illegal nagtitinda sa Paranaque City.

Ayon sa report ni Fortunato Manahan Jr. hepe ng BI intelligence division, nasakote ang mga ito  noong June 4 sa loob ng Multinational Village sa Paranaque city.

Batay sa impormasyon pitong babae at 30 pong lalaki ang mga nahuli, habang illegal na nagtitinda ng mga pagkain, grocceries, at ang iba nasukol sa loob ng restaunrant.

Naaresto ang mga dayuhan Chinese sa tulong ng mga residente, na siya rin nagturo sa mga kinaroro-unan ng mga suspek.

Ang tatlong pot pitong (37) dayuhan ay pansamantalang nakakulong sa loob ng BI Detention FaciLity sa Camp Bagon Diwa sa Taguig City, habang naka-pending ang kanilang mga deportation Order sa opisina ng BI Board of Commissioners. (froilan morallos)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *