Tatlong pong Dalawa illegal POGO Worker Tiklo Parañaque
Naaresto ng mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) ang 32 foreign national na illegal nago-operate ng POGO sa Paranaque.
Ayon kay BI Intelligence Division Chief Fortunato Manahan Jr. nahuli ang mga dayuhang ito, noong January 17 habang nago-operate ng online gaming scamming operations sa loob ng isang building sa Aseana sakop ng Munsipyo ng Paranaque City.
Kabilang sa mga dinampot ang dalawang pong (20) Chinese national, labing isang (11) Malaysian, at isang Cambodian national habang aktuwal na nagsasagawa ng ilegal acrivities kasama na dito ang love scams.
Naisagawa ang operasyon sa pakikipagtulungan ng BI Intelligence Division sa mga kawani ng National Bureau of Investigation (NBI).
Ayon kay BI Commissioner Joel Anthony Viado ang tatlong pong dalawang mga dayuhan ay mananatili sa physical custody ng Immigration habang naka-pending ang kanilang deportation order sa opisina ng BI Board of Commssioners. (froilan morallos)