Tatlong Malaysian national Hinarang sa NAIA
Hinarang mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang tatlong Malaysian national na pinaniniwalaan miyembro ng Kingdom of Jesus Christ (KOJC) religious group na pinamumunuan ni Pastor Apollo Quiboloy.
Ayon sa impormasyon dumating ang tatlong ito sa NAIA terminal 1 noong August 27, sakay ng Philippine Airlines (PAL) galing Kuala Lumpur.
Kinilala ang mga ito na sina Jessica Lynn Henry, Mimielianna Annie Anak Leesoi at Andrijosebaul Anak Garra, at agad ito pinasakay sa kanilang flight pabalik ng Malaysia.
Nadiskobre ng mga tauhan ng Immigration na makikisawsaw daw umano ang mga ito sa gaganapin government demonstration laban sa pamahalaan, tungkol sa ongoing manhunt operation ng Philippine National Police (PNP) kay Pastor Quiboloy.
At ayon sa salaysay ng tatlo pupunta sila sa Davao City para mag-attained sa ika 39th anniversary of the Feast of the Passover ng Kingdom of Jesus Chirst at sa tinatawag nilang workers Camp nitong buwan ng September.
Ngunit hindi kumbensido ang mga tauhan ng ahensiyang ito, dahil sa mga cellphone screen shot ng ibat-ibang slogangs katulad ng BBM Resign, Stop KOJC injustices at nakalagay din na AFP/PNP protect the people.
At kasabay nito ipinalagay ang mga pangalan ng tatlo sa immigration blacklist upang hindi na muli makabalik sa bansa.(froilan morallos)