Tatlong Chinese National Tiklo Sa Tawi-Tawi

Inaresto ng mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) Fugitive Search Unit (FSU) sa Tawi-Tawi ang tatlong Chinese national bago makapasok sa Philippine borders, ayon sa report na nakarating sa pamunuan ng ahesniyang ito..

Ayon sa impormasyon nakilala ang mga suspek na sina Zhang Xiaofeng 36 anyos, Guo Jinxia 35 anyos, at Zhong Xiongwei 54 anyos.

Ang tatlo ay nahuli ng noong araw ng Biyernes katuwang ang mga kawani ng Mapun Municipal Police Station sa inilatag na check point sa may port ng Mapun sakop ng lalawigan ng Tawi-Tawi.

Ayon kay BI FSU Chief Rendel Ryan Sy, itong mga suspek ay pansamantala nasa kustudiya ng Twi-Tawi PPO at PNP Maritme group, at nakatakdang ilipat sa BI Facility sa Camp Bagong Diwa sa Taguig City. (froilan morallos)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *