Tatlong Chinese National Inaresto Sa Pampanga
Inaresto ng Bureau of Immigration (BI) operatives ang tatlong dayuhan na pinaghihinalaan mga pekeng pinoy sa ikinasang magkakaibang araw na operasyon sa lalawigang ng Pampanga.
Ayon kay BI Commissioner Joel Viado kinilala ang mga suspek ay pawang mga Chinese national na sina Lin Yi, 35, anyos, Yan Yize 30 anyos at Wang Jiangyi 55 anyos.
Ayon sa report si Lin ay nahuli noong July 31 sa loob ng isang business stablishment sa may Pandan Road in Angeles City, Pampanga, habang si Yan ay naaresto sa may Sarmiento St. Malabanias Angeles City, at si Wang sa Barangay Panipuan sa Mexico Pampanga.
Napagalaman na gumagamit ng mga ito ng pekeng Philippine Birth certificates, BIR identification, business registration with the Security and Exchange Commission, at konektado sa isang Construction Development corp, na ginagamit upang makabili ng lupa.
Ang tatlo ay gad na dinala sa kulungan ng Bureau of Immigration sa Camp Bagong Diwa sa Taguig City. (Froilan morallos)