Tatlong Biktima ng Human Trafficking Pinagtrabaho ng Scam Hub sa Cambodia
Nakabalik sa Pilipinas ang tatlong pinoy na pinaniniwalaan mga biktima ng human trafficking,ng illegal recruiter na nago-operate sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).
Ayon sa report hindi muna ibinunyag ang pagkakilanlan ng tatlo alinsunod sa anti-Trafficking Law.
Batay sa impormasyon nakalap, dumating ang mga ito nitong noong June 6 sakay ng Philippine Airlines flight galing Phnom Penh Cambodia.
Napagalaman na umalis ang mga ito bilang mga turista, ngunit lingid sa kaalaman ng mga taga immigration na they were illegally recruited bilang mga overseas contract worker sa Cambodia.
Kung saan pinangakuhan ng suweldo na 1,000 US dollar bawat buwan, free board and lodging at may apat na araw day off bawat isang buwan.
Ngunit pagdating sa Cambodia wala silang natanggap sa mga ipinangako, at agad sila iisnabak sa mga risky na trabaho, at ang dalawa ay nakatira sa labas ng kumpanya na siyang nagsumbong sa embahada ng Pilipinas sa Cambodia.
Ayon sa salaysay ng isang biktima, binigyan siya ng monthly quota, at kapag hindi ma-meet ang naturang quota pinagmumulta siya mula sa 1,000 hanggang 2,000 US dollar.
Habang ang isa ay pinilit na magtrabaho bilang isang scammer, at ang target nila ang mga pinoy on line, kung saan ang mga biktimang pinoy ay pinagbabayad sa kanilang investment ang loan scam sa internet.
Ang tatlong ito ay pansamantalang dinala sa opisina ng Inter-Agency Council Against Trafficking (IACAT), upang mabigyan ng tulong at iba pang mga pangangailangan bago pauwiin sa kanilang mga probensiya. (Froilan morallos)