Supplier Ng Droga Tiklo Sa NAIA
Na-intercept ng mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) terminal 1 ang pinaghihinalaan drug supplier pagkababa sa kanyang flight.
Ayon sa impormasyon nakalap, kinilala ang suspek na si Chiang Yiu Wai, 62 anyos, Hongkong national at nahuli ito noong Wednesday sa paqmamagitan ng BI advance passengers Information System (APIS) operation Center (APOC).
Ang APIS na ito ay may kasapi na labing tatlong (13) major airlines kabilang ang Cebu Pacific, Philippine Airlines, Etihad Airways, Kuwait Airways, China Airlines, Singapore Airlines, KLM, Thai Airways, EVA Airways, Malaysian Airlines, Qantas Airlines, Korean Airlines, at ang Air Canada.
Ang mga kasaping major airlines ay mayroon 57.75 percent total flight operation nationwide, at ang mga ito ang siyang nagbibigay ng impormasyon tungkol sa kanilang mga pasaherong wanted sa interpol. (froilan morallos)