Street Lights sa Koronadal Road Malaking tulong sa mga Motorista

Malaking tulong sa mga motorista sa Koronadal, South Cotabato ang mga bagong bagong solar-powered lights na ilinagay ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa kahabaan ng center islands ng Marbel-Makar Road.

Ayon sa report ni DPWH Region 12 Director Basir M. Ibrahim, kay DPWH Secretary Manuel M. Bonoan, ang proyektong ito ay nagkakahalaga ng 107.11 milyon pesos, galing sa 2024 General Appropriations Act. (GAA)

Ang 215 double arm solar LED roadway light ay ilinatag o na-install ng departamento sa 6.7-lane kilometer section ng Marbel-Makar Road to enhance both road safety and security.

Bukod sa mga street lights, inayos din ng ahensiya ang concrete traffic islands, para sa seguridad ng pedestrian crossings at mabawasan ang hindi inaasahan insedenti, lalo na ang mga sasakyan na nago-overtake o kaya nagka-counter flow.

Ang isinagawang improvements ng DPWH ay mahalaga para sa safety ng mga motorista at mga tumatawid lalo kung gabi, ayon pa kay Ibrahim. (froilan morallos)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *