South Korean Fugitive Tiklo sa NAIA

 

Na-intercept sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang isang South Korean money forger na wanted sa kanilang lugar, bago makasakay sa kanyang Philippine Airlines flight papuntang Busan, South Korea.

Kinilala ang suspek na si Jang Junseok 26 anyos, at pinaghahanap ng South Korean authority, hinggil sa patong –patong o kinasasangkutan mga kasong counterfeiting currency trading.

Ayon sa report ng BI Border Control and Intelligence Unit (BCIU), nahuli ito makaraang madsikobre sa data system ng immigration na nasa listahan ng mga blacklisted na dayuhan at red notice na inisyu ng Interpol.

Batay sa impormasyon kinukonsidera si Jang na isang professional counterfeit currency user, kung saan kaya nito i-forged ang South Korean bank notes, bagkus isa pa itong basagulero o mahilig maghanap ng gulo.

Ayon kay BI-Interpol Acting Chief Jaime Bustamante si Jang ay mayroon warrant of Arrest na inisyu noong February 28, 2024 ng Daegu District Court ng South Korea, for possession and trading counterfeit currency filed against him.

At bago magpunta sa Pilipinas mayroon itong six convictions for the same offense, ngunit he was release on parole in 2023.

Habang nasa ilalim ng kanyang parole nakagawa din ito ng bank notes forgery gamit ang ibang pangalan  na tinatayang aabot sa 30 milyon Won katumbas ng 22,000 US dollars.

Si Jang ay nasa kustudiya ng BI warden facility sa Camp Bagong Diwa sa Taguig City pending deportation proceedings. (froilan morallos)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *