Siyam na Dayuhan Timbog Sa Masbate

Inaresto ng mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) ang siyam na Chinese national na illegal nagtratrabaho sa isang minahan sa Aroroy Masbate, ayon sa report ni BI Intelligence Chief Fortunato Manahan Jr.

Nahuli ang mga ito sa ikinasang operasyon ng BI’s Regional Intelligence Operation Unit 5 (RIOU5) katuwang ang mga kawani ng Armed Forces of the Philippines , Philippine Army, Philippine Navy, Philippine National Police, at Masbate Provincial Police Office.

Ayon sa impormasyon nakalap ng pahayagang ito, nasakote ang mga ito sa isinagawang magkakahiwalay na operasyon sa Barangay Cabangcalan at Barangay Pangle, at nadiskobre ang siyam na walang mga working visa at permit mula sa pamahalaan.

Agad na dinala ang siyam na dayuhan sa BI Detention Facility sa Camp Bagong  Diwa Taguig City, habang piniprera ang deportation Order ng BI Board of Commissioner laban sa mga ito.(froilan morallos)

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *