Siyam Foreign National na Sangkot sa Online Loan Scam Tiklo sa Paranaque City
Nasakote ng pinagsanib na mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) at National Bureau of Investigation (NBI) ang siyam na foreign national na sangkot sa online Loan Fraud Scheme sa Paranaque City.
Sa ikinasang magkasabay na operasyon ng mga ito kahapon (June 26,2025) sa isang condominium unit ng nasabing luingsod, sa bisa ng isang mission Order na inisyu ni BI Commissioner Joel Anthony Viado laban sa dalawang puganteng dayuhan.
At nagresulta sa pagkakatuklas at pagkadakip ng siyam (9) Korean national na nago-operate ng scam platforms, gamit ang ibat-ibang computer na ginagamit ng grupo sa fraudulent online lending transactions.
Ayon sa isang Korean government representatives ang ginagamit mga computer ay sinyales o sa tinatawag na hallmarks of an international online fraud operation targeting victims abroad.
Ayon sa report ang mga suspek ay naka-detained sa NBI Organized and Transnational Crime Division at naka takda naman ito i-turn over sa BI Warden Facility sa Camp Bagong Diwa sa Taguig City. (froilan morallos)