Sheila Leah Guo at Cassandra Li Ong Inaresto sa Indonesia

Eksaktong alas 4:48 kahapon ng hapon dumating sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) sina Sheila Leah Guo, kapatid ni Bamban Mayor alice Guo at Cassandra Ong, sakay ng Philippine Airlines (PAL) PR 540 galing Jakarta Indoneisa.

Ayon sa report sina Sheila Guo at Cassandra Ong ay nahuli noong August 20, 2024 sa loob ng Mega Mall Batam Centre ng mga kawani ng Bureau of Immigation sa Indonesia.

Batay sa nakalap na impormasyon sina Alice Leal Guo at Cassandra Li Ong ay galing Singapore sakay ng isang Cruise ship papuntang Jakarta.

At naaresto ang mga ito matapos sumulat ang Philippine Bureau of Immigration sa Indonesian Immigration sa kinaroru-unan ng dalawa upang papanagutin sa mga kasong kinakaharap ng dalawang puganteng Chinese.

Si Ong ay isa sa mga incorporator ng Lucky South 99, POGO sa Porac Pampanga na kabilang sa sumasailalim ng imbestigasyon ng Senado at Kongreso, tungkol sa Illegal operation, human trafficking, kidnapping at Murder.(froilan morallos)

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *