Shabu Nasakote sa NAIA Kahapon
Na-intercept ng mga tauhan ng Ninoy Aquino International Airport, Inter-Agency Drugs Task Group (NAIA-IADITG) kahapon ang dalawang outbound parcel sa loob ng DHL Cargo House sa NAIA Complex sa Pasay City.
Ayon sa report ng NAIA-IADITG , ang dalawang outbound parcel ay naglalaman ng 307.9 grams ng hinihinalang Shabu na aabot sa Php2,093,720.00 milyon pesos ang halaga.
Ang isang parcel na may airwaybill no. 2406493751 ay ideneklarang mga dokumento, at ipinadala ng nagngangalang Marbella Richard Paul Torlao ng 296 Arandia St. Tunasan, Muntinlupa City kay Alagua Amado Jr. via Dell Arcadia ng 79 Rome ,Italy.
At ang parcel na ito ay naglalaman ng 20 heat sealed transparent plastic sachets ng white crystalline substance o shabu na may timbang na 100 gramo at tinatayang aabot sa P680,000.00 pesos ang halaga.
At ang isang parcel na mayroon tracking no. 4691789686 ay ideneklarang bilang mga Kitchen Wall Stickers, at ipinadala ni Patricia Bo ng Meadows Park, Molino 3, blk 4 Lot 8, Molino Baccor Cavite.
Kung saan naka-consigne naman ito sa isang Cui Lin Bo ng Koror Palau, c/o Fuji B Restaurant Building 3rd floor, Koror.
At ang 207.9 grams ng shabu na nagkakahalaga ng Php1,413,720.00 milyon pesos ay itinago sa apat na improvised pouch at binalot ng transparent plastic bag.
Patuloy naman ang isinasagawang masusing imbestigasyon ng mga kinauukulang upang mahuli sa lalong madaling panahon ang mga salarin. (froilan morallos)