Serbian National Timbog sa Angeles City
Ipina-aresto ng Bureau of Immigration (BI) sa Angeles City Pampanga ang Serbian national na wanted ng federal authority dahil sa pagbebenta ng illegal drugs sa United States.
Ayon sa report ng Immigration Fugitive Search Unit (FSU) kinilala ang suspek na si Predrag Mirkovic 60 anyos, at nahuli ito noong April 25 sa loob ng beer house sa Angeles City.
Si Mirkovic ay dimanpot sa bisa ng isang Mission Order na inisyu ng Bureau of Immigration alinsunod sa paki-usap ng United States government, upang harapin nito ang kasong kinasasangkutan.
At nakarating din sa kaalaman ng pamunuan na si Mirkovic ay mayroon outstanding Arrest warrant na inisyu ng District Court ng Maryland, kung saan kinasuhan ng conspiracy to possess and Distribute controlled substances in violation of the US penal code.
Ayon kay BI-FSU Acting Chief Rendel Ryan Sy, sangkot din ito ng trading of Illegal drugs sa Angeles City, sa pamamagitan ng letter complaint na nakarating sa kanya mula sa isang concerned citizen ng lungsod na ito.
At aniya mayroon din itong Warrant of Arrest na inisyu ng Family court ng Calamba Laguna, dahil sa paglabag ng Ra 9262 o kilala sa tawag na Anti-Violence Against Women and Children Act.(froilan morallos)