Retiradong US Navy Inaresto Ng PNP Sa NAIA .

Inaresto ng mga tauhan ng Philippine National Police (PNP) Aviation Security Group sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) terminal 3 ang isang pasahero dahil sa pagdadala ng replikang baril.

Ayon sa report ng PNP ang 66-taong-gulang na pasaherong lalaki ay retiradong U.S. Navy Serviceman at residente ng Taguig City.

At nakatakda ito sumakay sa kanyang flight ng makita sa X-ray ang isang imahe ng baril sa loob ng kanyang brown Balikbayan box.

Sa isinagawang inspeksiyon bumungad sa mga awtoridad ang dalawang air gun kung saan wala ito maipakitang permit.

Sa ilalim ng Omnibus Election Code ipinagbabawal ang pag- transport ng mga replika na baril o ano mang armas na walang pahintulot o exemption mula sa Comelec habang umiiral ang Comelec Gin Ban. (froilan morallos)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *