Reliable Internet Connection Mararanasan sa NAIA
Mararanasan ng mga pasahero ang mabilis at reliable internet connection sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA), ayon sa pamunuan ng New NAIA Infra corporation (NNIC) operator.
Mag mula sa dating 50-60 Mbps internet connectivity ito ay itataas hanggang 115 Mbps, upang ma-enjoy ng mga pasahero ang tatlong oras free access internet habang naga-antay ng kanilang mga flight.
Upang maseguro ang maganda at reliable internet connectivity sa airport pinagsama-sama ng NNIC ang tatlong malalaking kumpanya na kinabibilangan ng Philippine Long Distant Telephone (PLDT), Smart at converge, ng sa gayon matugunan ang kakulangan ng internet reliability sa mga paliparan.
Ayon sa impormasyon na nakalap ng pahayagang ito, naga-average ng 1,000 internet users per hour o kada oras sa apat na airport sa bansa.
At ayon naman sa tagapagsalita ng NNIC sa halip na dalawang oras free internet access gagawin itong tatlong oras habang inaayos ng mga ito,ang kanilang online travel requirements o naka-antabay sa kanilang mga flight skidyul.
Dagdag pa na pahayag ng NNIC ang improvements na ito ay kasama sa kanilang layunin upang maibigay ang tinatawag na high level service na kinakailangan ng mga biyahero. (froilan morallos)