Rekords ng Chinese National na Itinuturong Spy, Nadiskobre

Nakuha ang detalye ng Bureau of Immigration (BI) o pagkakilanlan ng Chinese national na pinaniniwalaan espiya sa Pilipinas matapos ang isinagawa beripikasyon sa loob ng Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA).

Ayon kay BI Commissioner Joel Anthony Viado ang hindi pinangalanan 39 anyos na Chinese, ay madalas pumasok at lumabas sa bansa mag mula pa noong taong 2015.

At batay sa rekord na nakalap ng BI ito ay napangasawa ng isang Pilipina, kung kayat matagal na itong naninirahan sa Pilipinas.

Ang mga naturang rekord ay ipinagbigay alam sa Department of Justice (DOJ) at National Bureau of Investigation (NBI), upang makatulong sa imbestigasyon.

Ayon pa kay Commissioner Viado hindi muna nila mai-initiate ang deportation proceedings, hanggat hindi nareresolba ang kanyang accountabilities at penalties na ipapataw ng korte.(froilan morallos)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *