Reklamo Sa Baha sa Airport Tinugunan ng NNIC
Humingi ng saklolo ang New NAIA Infrastructure Corporation (NNIC) sa San Miguel Corporation upang masulusyunan ang reklamo tungkol sa baha sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).
Na siyang pangunahing sagabal o dahilan sa pagka-antala ng mga flight lalo na kapag masama ang panahon, dahil sa malalim na tubig baha papasok sa terminal sa mga Paliparan.
Bilang pagtugon sa kahilingan ng NNIC, nagsagawa ang San Miguel corporation ng clean- up drive sa Paranaque River, upang maalis ang mga nakabarang lupa at mga basura ang ilog na ito.
Ayon sa report ng SMC mahigit sa 93,000 tawsan tonelada ng silt at waste materials ang naalis o nakuha sa loob ng ilang araw na clean up drive sa Paranque River, Don Galo River, San Dionisio at Villanueva Creeks.
Kasabay na deni-clogged ang mga storm drain lines sa kahabaan ng domestic road sa naia terminal 4, binuksan din ang 54 manholes at nag-construct ng sampong (10) bagong manhole para madali ang maintenance nito.
Batay sa survey ang Paranaque River ang itinuturong dahilan sa perennial flooding sa airport, at karatig na lugar dahil sa mga basurang nakatambak sa ilog na ito. (froilan morallos)