Rehab ng Davao International Airport Aabot sa 15 araw

Apektado ang mga flight iskidyul ng Philippine Airlines (PAL) papuntang Davao, dahil sa biglang pagpapahinto ng operasyon ng Davao International Airport (DIA) ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) upang maisa-ayos ang rehabilitasyon ng run way ng naturang airport.

Ayon sa report hanggang labing limang (15) araw ang time table bago matapos ang rehabilitasyon, kung kayat pinapayuhan ang mga apektadong pasahero na maki-pagugnayan sa PAL, para sa rebooking at flight iskidyul.

At kasabay nito nag-isyu ng Notice to Airmen (NOTAM) B0950/24 ang Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) para sa temporary closure ng DIA, bilang antisipasyon sa mga flight iskidyul

Ayon kay CAAP spokesman Eric Apolonio kinakailangan ang emergency repair ng airport bunsod sa mga sirang asphalt overlay, at kinakailangan ang application of emulsified asphalt tack coat, laying of hot bituminous asphalt mixture at repainting sa mga apektadong runway markings.

Ayon pa kay Apolonio ang kanilang original iskidyul ng runway closure ay anim (6), ngunit ibinaba sa apat (4) na oras kada araw sa loob ng labing limang araw. (froilan morallos)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *