Puganteng Vietnamese Timbog sa NAIA

Hinarang ng mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang isang Vietnamese National na wanted dahil sa kasong kidnapping at pangagahasa tungkol sa isang Chinese National dalawang taon na ang nakakalipas.

Kinilala ang suspek na si Nguyen Hu Mai, 48 anyos, at na intercept ito noong March 21 bago makasakay sa kanyang Cebu Pacific flight papuntang Saigon.

Ayon Kay BI-BCIU chief Ferdinand Tendenilla matagal na itong suspek pinaghahanap ng Immigration dahil sa pagiging undesirable alien at prime suspect sa kidnapping at pangagahasa.

Ayon sa report ng Philippine National Police (PNP), nangyari ang insedenti noong buwang ng Marso, kung saan pinaghalinhinan gahasain ang biktima sa loob ng isang condominium sa Makati City.

At kasabay nito nanghihingi ng ransom money na aabot sa apat na milyon pesos kapalit ng kanyang kalayaan.

Si Nguyễn ay mananatili sa kulungan ng Immigration sa Camp Bagong Diwa sa Taguig City, habang hindi nareresolba ng korte ang kaso laban sa kanya. (Froilan Morallos)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *