Puganteng Taiwanese Timbog Sa Quezon City
Inaresto ng mga tauhan ng Immigration Fugitive Search Unit (FSU) sa Quezon City ang isang puganteng Taiwanese na wanted sa kanilang bansa na may kinalaman sa kasong pamdarambong.
Kinilala ang suspek na si Yang Chia-Le, 26 anyos. at naaresto ito sa isang residential area sa kahabaan ng Nueva Viscaya St. Bago Bantay, Quezon City.
Ayon sa report si yang ay nahuli sa pamamagitan ng isang mission order na inusyu ng Immigration, matapos ipagbigay alam ng Taiwanese Authority na pinaghahanap ito dahil sa kinasasangkutan kasong fraud.
At ayon sa naturang report si yang ay mayroon nakabinbin na Warrant of Arrest na inisyu ng Taiwan Taipei District Prosecutors Office noong April nakaraang taon.
Ayon sa record si Yang ay miyembro ng isang telecom fraud syndicate, at nakakulimbat ng 2.3 milyon sa kanilang mga biktima mag mula December 2020 hanggang January 2021.
At ang mudos ng mga ito nagkukunyari bilang mga Taiwan law enforcer, upang mapaniwala ang mga biktima sa kanilang mudos.
Si Yang ay mananatili sa Immigration Detention Center sa Bicutan Taguig, habang pino-proseso ng Immigration Board of Commissioners ang kanyang deportation order palabas ng bansa. (January 9, 2024)