Puganteng Koreano Timbog sa Pampanga

Inaresto ng Bureau of Immigration (BI) operatives sa Pampanga ang isang Korean national na wanted ng mga awtoridad ng Seoul dahil, sa pagbebenta ng video streaming flat forms sa internet ng walang pahintulot ang pamahalaan.

 

Kinilala ang suspek na si Kim Jongsik at naaresto ito noong August 8, ng BI Fugitive Search Unit (FSU) sa kanyang tinitarahan bahay sa Barangay sto. Niño, Angeles City.

 

Ayon sa report si Kim ay mayroon Warrant of Arrest na inisyu noong October 2022 ng Busan District Court dahil sa paglabag ng Korean’s Copy right Act.

 

Ayon sa pahayag ng BI-Interpol nag-operate ito (Kim) sa Pilipinas noong 2023 ng Korean-language streaming service na may kinalaman sa entertainment shows at mga pelikula ng walang basbas ng  copy rights owner sa Korea.

 

Si Kim ay kasalukuyang naka-detained sa BI custodial facility sa Camp Bagong Diwa, Taguig City. (froilan morallos)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *