Puganteng Koreano Tiklo sa NAIA

Naaresto ng nga tauhan ng Philippine National Police (PNP) Aviation Security Group at Bureau of Immigration (BI), sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) terminal 3 ang isang 40 anyos puganteng Korean national, na wanted sa kanilang bansa.

Ang nasabing dayuhan ay pasakay sa kanyang domestic flight patungong Cebu ng maharang, dahil sa paglabag or in violation of Art. 47 (2) and Art. 26 (1) 0f National Sports Promotion Act of South Korea.

Ayon sa report nahuli ito sa tulong ng Korean authority ng sa gayon kaharapain nito ang kinakaharap na kaso laban sa kanya.

Batay sa impormasyon nadakip ito sa may departure area ng naia 3 bago makasakay sa kanyang flight patungong Cebu International Airport.

Sa kasalukuyang Itong suspek ay nasa kustudiya ng Immigration at sumasailalim ng proper documentation, bago ilipat sa BI detention jail sa Bicutan. (froilan morallos)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *