Puganteng Koreana Timbog sa Paranaque City

Inaresto ng mga kawani ng Bureau of Immigration (BI) ang isang South Korean woman na wanted sa  kanilang bansa at Interpol dahil sa pagkakasangkot ng multi-million dollar real estate investment scam.

Ayon kay Immigration Commissioner Joel Anthony Viado kinilala ang suspek na si Kim Jeonjung, 30 anyos, at naaresto ito ng BI Fugitive Serch Unit (FSU) noong Feb. 18 sa kanyang tinitirahan bahay sa  lungsod ng Paranaque City.

Hinuli si Kim sa bisa ng mission order na inisyu ni Commissioner Viado dahil sa pakiusap ng  South Korean government upang papanagutin sa kanyang kasong kinasasangkutan.

Ayon sa talaan ng Immigration si Kim ay subject of an Interpol red Notice na ilinabas sa pahayagang noong August 12 nakaraang taon na dahil sa Warrant of Arrest na inisyu ng Suwon District Court sa Korea laban sa kanya.

Ayon sa pahayag ng Korean authorities si Kim ay nakipagsabwatan sa kanyang kasamahan upang makapangulimbat ng malaking halaga mula sa mga biktima.

Nagkunyari sina Kim at kasmahan nito na inuupahan o mayroon silang lease agreements sa dalawang  gusali, kung saan nakakulimbat ng aabot sa 7.5 bilyon Won katumbas ng 5.2 milyon US dollars sa mga tenants resulta sa large-scale rental fraud.

Batay sa record ng BI dumating si Kim noong pang buwan ng December 21, 2023, kung kayat kinokonsidera ito na overstaying.

 

Si ay kasalukuyang nakakulong si BI Warden Facility sa Camp Bagong Diwa sa Taguig City, habang nasa proseso sa BI Board of Commissioner ang kanyang deportation order. (Froilan morallos)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *