Puganteng Korean-American National Huli sa NAIA
Na-intercept ng Bureau of Immigration (BI) personnel sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang Korean-American national na wanted sa Korea bunsod sa pagkakasangkot ng telecommunication fraud sa seoul.
Kinilala ang suspek na si Jason Han Hsu 37 anyos, at naaresto ito noong July 17 bago makasakay sa kanyang Air Asia flight papuntang Osaka Japan.
Si Hsu ay miyembro sa isang voice phishing syndicate na nago-operate sa China mag mula pa noong May 2018 hanggang November 2019.
At ayon sa impormasyon nakakahiram ito ng malaking halaga ng pera sa banko sa mababang interest, at ang kanilang inuutang na salapi ay ide-deposit sa bank account na paaari ni Hsu at ng kanyang mga miyembro.
At batay sa nakarating na impormasyon sa Immigration tinatayang aabot sa 1.06 milyon US dollars ang kanilang nakulimbat sa mga biktima.
Si Hsu ay naka-deteni sa BI Detention Facility sa Camp bagong Diwa sa Taguig City, habang naka-peding ang kanyang deportation order. (froilan morallos)