Puganteng Kano Tiklo sa Nueva Ecija
Na-intercept ng mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) sa Cabanatuan lalawigan ng Nueva Ecija ang isang American national na wanted sa kanyang lugar dahil sa kasong sexual assault.
Ayon kay Rick Carlo Balingit hepe ng BI sa Nueva Ecija itong suspek ay kinilala na si Michael Lewis Ginsberg 67 anyos, at nahuli ito habang nagpapa-extend ng kanyang tourist visa sa BI filed office sa Cabanatuan.
Batay sa impormasyon si Ginsberg ay mayroon Warrant of Arrest na inisyu ng Superior Court of Maricopa County ng Arizona noong July 2024, for one count of Sex Assault, for assaulting his client.
Si Ginsberg ay pansamantalang nakakulong sa BI facility sa loob ng Camp Bagong Diwa sa Bicutan Taguig, habang naka-pending ang kanyang deportation order ng BI Board of Commissioners. (froilan morallos)