Puganteng Kano Tiklo sa Cavite

Naaresto ng mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) ang isang American fugitive at wanted dahil sa kinasasangkutan ng ibat-ibang kaso na nakahain sa korte ng Florida.

Ayon kay Immigration Commissioner Joel Anthony Viado, kinilala ang suspek na si Young Tom Talmadge 69 anyos, at nahuli ito ng BI’s Fugitive Search Unit (FSU) sa kanyang tinitirahan bahay sa General Mariano Alvarez   lalawigan ng Cavite sa tulong ng mga U.S Homeland Security Investigation (HIS).

Si Talmadge ay mayroon nakabinbin na Warrant of Arrest na inisyu ng 13th Judicial Circuit Court ng Hillsborough County, Florida noong March 20, 2025, na may kaugnayan sa kasong Sexual at Battery Assault, Acts of Lasciviousness, at pag-kidnapped ng isang minor de edad na batang babae.

Si Talmadge ay agad na dinala sa BI Warden Facility sa Camp bagong Diwa, sa Taguig City, at mananatili ito sa kulungan habang naka-pending ang kanyang deportation order sa opisna ng immigration. (froilan morallos)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *