Puganteng Japanese Tiklo sa Binondo Manila
Inaresto ng mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) sa Binondo ang puganteng Japanese na wanted ng mga awtoridad sa Tokyo bunsod sa kinasasangkutan nitong kasong pandarambong sa pamamagitan ng tinatawag na voice phishing.
Kinilala ni Immigration Commissioner Joel Anthony Viado ang suspek na si Yokota Tetsuya 39 anyos, at dinampot ito ng BI’s Fugitive Search Unit (FSU) noong January 1, sa may Ongping St. Binondo Manila.
Ayon sa pahayag ni BI-FSU Chief Rendel Ryan Sy, si Tutsuya ay mayroon outstanding Warrant of Arrest na inisyu ng Summary Court ng Omiya Japan noong pang buwan ng Mayo nakaraang taon dahil sa mga kasong swindling sa pamamagitan ng paggamit ng voice phishing
Batay sa impormasyon na nakalap ng pahayagang ito, si Tutsuya ay nakakulimbat sa kanyang mga naging biktima ng tinatayang aabot sa 2.75 milyon Yen katumbas ng 17,000 US dollars.
Si Tutsuya ay Pansamantalang ilinipat sa pangangalaga sa mga tauhan ng BI detention facility sa Camp Bagong Diwa, Taguig City, habang naka-pending ang kanyang summary deportation order sa opisina ng BI Board of Commissioners (Froilan Morallos)