Puganteng Cambodian Tiklo Sa NAIA
Na-intercept ng Bureau of Immigration (BI) officer sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang isang puganteng Cambodian national na wanted sa kanilang bansa dahil sa pagkakasangkot nito sa cybercrime.
Kinilala ang suspek na si Bai Longhao 33 anyos, at naharang ito noong March 21 sa naia terminal 1, pagkababa sa kanyang Philippine Airlines flight mula Phnom Penh.
Ayon kay BI-Interpol acting chief Jaime Bustamante hindi pinayagang si bai na makapasok sa bansa matapos kumpirmahin ng Immigration supervisor on duty na ang taong ito ang siyang nasa Interpol derogatory list.
At nakarating din sa pamunuan ng Bureau of Immigration na si Bai ay mayroon Warant of Arrest na inisyu ng Public Security Bureau ng Jian, Jilin province of China.
Ayon report ng Chinese authorities sa pagitan ng April 2021 hanggang March 2023, nakipagkutsabahan ito (Bai) sa kanyang kasamahan sa pamamagitan ng pagbibigay ng pabuya o suhol sa ibat-ibang telecom frauds syndicate nan ago-operate sa China.
At nadsikobre na naglustay ang grupo ito ng mahigit sa 20 milyon Yuan katumbas ng 2.7 milyon US dollars na kanilang nakulimbat mula sa mga biktima.(froilan morallos)