Pitong Tsino Timbog sa Batangas
Inaresto ng mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) Intelligence division sa Batangas ang pitong Chinese national na nagtratrabaho ng walang mga kuukulang permit mula sa pamahalaan.
Ayon kay BI intelligence division chief Fortunato Manahan Jr. naaresto ang pitong suspek sa isinagawang operasyon ng Regional Intelligence Operation Unit (RIOU) IV-a katuwang ang Government Intelligence Forces at koordinasyon ng Taysan Municpal Police Station.
Dagdag pa ni Manahan ang kanilang inisyal target ay ang isang nangangalang Wang Zhenglai 34 anyos na may hawak na working visa, ngunit pinirata ito ng pekeng kumpanya, at sa kanilang pagsalakay nahuli ang pitong tsino na nagtratrabaho ng walang working permit.
Maliban kay Wang, ang limang tsino ay may hawak na a 9 (g) working visa, bagkus dinala ang mga ito sa Quezon City, at aniya ang isa dito ay merely holding a tourist visa.
At nadiskobre ng mga ito na isang Wang Shou Min ang pinaka-big boss ng mining company sa Batangas, at itinuturong tatay ni Wang Zhenglai.
Maliwanag na nakasaad sa ilalim ng Immigration law ang working visas ay both company specific and station is specific.
At ang mahuli na dayuhan na may working visa, ngunit nagtratrabaho sa ibang kumpanya ay agad na ipatatapon palabas ng bansa. (froin morallos)