Pitong Kawani ng Bureau of Immigration sinibak sa Puwesto
Sinibak ng pamunuan ng Bureau of Immigration (BI) ang kanilang pitong
.
Ayon sa report ang pitong personnel ay mga naka-assigned sa NAIA terminal 1 at 3, at kasalukuyang ang mga sinibak na empleyado ay sumasailalim ng masusing imbestigasyon sa Department of Justice (DOJ).
At batay sa impormasyon ang sinasabing pitong BI personnel ay nakipagsabwatan sa mga miyembro ng sindikato sa illegal na pagpapa-alis sa mga biktima ng human trafficking na pinabalik sa bansa nitong nakalipas na araw.
Sakay ang mga naturang biktima ng Philippine Airlines (PAL) flights galing sa Bangkok Thailand, at nakauwi ang mga ito sa tulong ng Philippine Embassy at Myanmar Authorities.
Kaugnay nito na-alarma si BI Commissioner Joel Anthony Viado sa tumataas na bilang ng mga biktima ng human trafficking, kung kayat kinakailangan ng pamahalaan ng magandang paraan upang masawata ang mudos operandi ng sindikato. (Froilan Morallos)