Pipi at Bingi ang DPWH Sa Maanomalyang Bidding sa Manila North

NO MERCY : Taliban

Hinihinala ni Taliban na mayroon basbas ng isang Undersecretary sa Department of Public Works and Highways (DPWH) ang nangyayaring ma-anomalyang bidding sa Norht Manila Engineering District.

Sa kabila ng hinaing ng mga contractor tila wa epek, ang kanilang reklamo dahil, ayon sa balita ng bubuyog ni Taliban, bagyo daw ang mga ito kay mamang USEC,

Ang tanong ni Taliban alam kaya ni dpwh secretary Bonoan ang kabulastugan na pinaggagawa ng kanyang mga tauhan sa Norht Manila? Oh! Come on, tell it to the Marine, at ito din umanong USEC ang nasa likod kung kayat ang mga overstaying DE sa NCR ay nananatili sa knilang mga puwesto.

At hito pa! kontrolado ang bidding ng isang mag-anak, kung hindi ang anak ang mananalo, ang asawa o ang kanyang nanay, oh my God, ito lang ba ang mga anak ng diyos? Ang swerte naman ng mga kumag na ito.

Ang ibig sabihin mga tulog ang iba ng magsabog ang panginoon ng grasya sa lupa? At batay sa pananaliksik ni Taliban, itong mag anak ay talagang napaka-suwerte, dahil nag simula sa zero, din biglang milyunaryo? Ito ang tinatawag na, from rugs to riches.

Pipi at Bingi nga aba ang pamunuan ng dpwh sa nangyayaring illegal bidding sa North Manila? Secretary Bonoan paki lang if you are sincere sa iyong pangako na mahinto na ang corruption sa inyong ahensiya.

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *