Pinoy Kakasuhan Dahil sa Paglabag ng Anti-Money Laundering Act

Sasampahan ng Bureau of Customs (BOC) ng kasong criminal ang isang departing Pilipino passenger papuntang Hongkong dahil sa paglabag ng Section 117, 1400, 1401 at 1403 ng RA 10863 o kilala sa rawag na Customs Modernazation and Tariff Act at Anti-Money Laundering Act.

Ayon sa report nangyari ang insedenti sa may departure area ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) terminal 1, noong February 21, 2025, kung saan tangkang ipuslet ang malaking halaga ng ibat-ibang currency ng walang pahintulot ang Bangko Sentral ng Pilipinas.

Batay sa nakalap na impormasyon nakuha ng mga awtoridad sa hand carry bag ng nasabing Pinoy ang ibat-ibang currency, na kinabibilangan 3,950,000.00 Japanese yen, 20,000 Euro (EUR), at 8,500 Kuwaiti Dinar, katumbas ng 4,335,487.48 milyon pesos ang halaga.

Ayon kay Customs-NAIA district collector Yasmin Mapa kukumpiskahin ng pamahalaan ang undeclared foreign currency dahil walang paipakitang permit o clearance mula sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP).

Ayon pa kay Mapa bukod sa paglabag ng Customs Modernization Act at Anti-Money laundering linbag nitong suspek ang Manual Regulation on Foreign Exchange Transactions (as amended by BSP Circular Nos. 794,874,922 at 1146 at ng RA no. 7653 (The new Central Bank Act). (froilan morallos)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *