Pinoy Inaresto Sa NAIA
Nasakote ng mga tauhan ng Philippine National Police (PNP) Aviation Security Group sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang isang 56 anyos Pinoy na wanted dahil sa paglabag ng Presidential Decree No. 957, o Condominium Buyers Protective Decree.
Ayon sa report nahuli ito noong Biyernes ng gabi (April 4, 2025) sa tulong ng Bureau of immigration authorities bago makasakay sa kanyang fligh papuntang Toronto Canada.
Napagalaman na itong suspek ay mayroon Warrant of Arrest at residenti ng Dumaguete City, at dinampot ito habang nakapila papasok sa boarding gate ng Paliparan.
Itong suspek ay nasa kustodiya ng Southern District Field Unit ng National Capital Region (NCR), Criminal Investigation and Detection Group (CIDG).
At kasalukuyang sumasailalim ng documentation bago dalhin sa korte para sa gagawin paglilitis sa kanyang kinasasanglkutan kaso. (Froilan Morallos)