Pinasinayaan ng DPWH ang tulay sa Malungon Sarangani

Pinasinayaan ng mga opisyales ng Department of Public Workss and Highways (DPWH) ang tulay sa Lower mainit river sa Sarangani Province, ayon sa report ni DPWH Regional Director Basir Ibrahim.
Ang tulay na ito ang siyang nago-ugnay ng Barangay Lower Mainit, Malungon residential at agricutural area ng Sarangani Province.
Ayon sa impormasyon ang tulay na ito ay umaabot sa 86.84 milyon pesos ang halaga, at ang perang ginastos sa naturang proyekto ay galing sa 2023 General appropriation Act (GAA).
Napagalaman na ang binabanggit na lugar ay ang pinakamalaking Mango producers sa lalawigan ng Sarangani, kung kayat magiging madali ang pagdala ng kanilang mga produkto sa mga kalapit pamilihang bayan

 

At ayon sa mga magsasaka malaking kaginhawaan at pakinabang ang kanilang matatamasa dahil bukod sa mabilis na beyahi makakatipid din sa kanilang gastusin palabas at papasok sa kanilang barangay.
Ang tulay na ito ay 60 meters ang haba, 323 meters portland concrete cements pavements road approach, 260 meters slope protection at 116 meters stone masonry.
 
Na siyang inaasahan upang mabawasan o maiwasan ang pagbaha sa mga Barangay ng Upper at Lower Mainit, Upper Lumabat, San Juan, san Miguel, at San Roque. (froilan morallos) 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *