Pinagi-ibayu ng CAAP ang Kumpanya laban sa Bird Strike

Pinagiibayu ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) ang kanilang kumpanya laban sa bird strike sa lahat ng paliparan sa bansa upang maiwasan ang mga insedenti na kakaharapin ng piloto sa mga eroplano.

Matapos ang nangyaring tragic airplane crush incident sa South Korea noong December 2024 kung saan 179 pasaherong ang namatay sa pagbagsak ng naturang eroplano dahil sa bird strike.

Ayon sa CAAP nakakaalarma ang Bird strikes na ito, kung kayat isinusulong ng kanilang ahensiya ang kumprehensibong measures katulad ng paglalagay ng habitat control long -term solusyon sa problemang ito.

Matatandaan na umabot sa 181 ang naitalang bird strike incident sa ating bansa noong nakaraang taon 2024, ayon sa talaan ng CAAP.

Kung kayat ang Manila International Airport Authority (MIAA) at ang CAAP ay nagtutulungan ng sa gayon mabawasan ang problemang ito, sapagkat ang grupo ng mga ibon ay nagkukumpulan o nananatili sa madamong lugar ng airport.

Kaugnay nito isinusulong ni MIAA General Manager Eric Ines ang tinatawag na deterrent measures katu7lad ng acoustic devices, methane-powder cannons at balloons na mayroon nakalagay na predator eyes bilang panakot sa mga ibon.

At isa pang nakakabahala sa sa MIAA ang controversial bird sanctuary sa may Cavite coastal road re-claim site area, na malapit sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA), kung saan umaabot sa 150 piraso ng ibon ang nakatira sa lugar na ito.(froilan morallos)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *