Piloto patay sa Bumagsak na RP-C3424 Helicopter
Piloto hindi nakaligtas sa nag-crash na RP-C3424 helicopter sa Guimba Nueva Ecija, ayon sa report ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP).
Ayon sa impormasyon ang RP-C3424 ay ino-operate ng Lion Air Incorporated, at umalis ito sa Manila bandang alas 10:22 ng February 01 papuntang Baguio para maghatid ng isang pasahero.
Ayon kay CAAP Spokesperson Eric Apolonio umalis ito Baguio dakong alas 11:51 ng umaga at dumaan sa Binalonan Airport upang mag-pakarga ng gasoline.
At umalis naman ito sa Binalonan airport bandang 4:05 ng hapon, at napansin ng mga opsiyal ng airport na nahihirapan umandar ang makina.
At na-detect ng Philippine Aeronautical Rescue Coordination Center (PARCC) sa pamamagitan ng kanilang emergency locator transmitter (ELT) alerts sa pagitan ng 7:04 at 7:14 ng hapon ang crash site sa Purok Arimungmong Barangay San Miguel sa tulong ng Guimba Police Station.
Agad naman nagtungo ang CAAP’s Aircraft Accident Investigation and Inquiry Board (AAIIB) sa pinangyarihan upang malaman ang sanhi sa pagbagsak ng eroplanong ito. (froilan morallos)