Pekeng Military Intelligence Officer Tiklo sa NAIA
Inaresto ng mga awtoridad sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang isang babae na nagkunyaring Military Intelligence Officer Reservist ng Philippine Army upang makapasok sa restricted area ng paliparan.
Kinilala ang suspek na si Sheena Mae Tag-at, o kilala sa tawag na si Sheena Medina, 31, anyos at residente ng Taguig City, at nahuli ito matapos ang isang lingong surveillance ng mga tauhan ng Lockheed Security agency.
Ayon sa pahayag nina Erlinda Bulawit at Joselito Garcia, mga security guard na naka asayn sa NAIA Terminal 3, nagpakilala si Tag-at na itinalaga siya ni Cecille Ang, anak ni business tycoon Ramon Ang bilang intelligence officer sa New NAIA Infra Corp. (NNIC).
Ngunit makaraang ang isang lingo nadiskobre na si Tag-at’s ay hindi legitimate Philippine Army reservist nor appointed by the Ang’s family, na siyang dahilan upang sumailalim ng imbestigasyon.
At sa inisyal investigation nadiskobre na si Tag-at, at Joselito Garcia ay magkasintahan at si Erlinda Bulawit naman ang tumulong kay Tag-at para makakuha ng application form sa Philippine Army Recruitment.
Agad na inalis sina Garcia at Bulawit sa kanilang mga puwesto bilang security guard sa NAIA at ilinagay sa Return to Unit (RTU) status habang on going ang isinasagawang imbestigasyon.
At si Tag-at ay kasalukuyang naka-detained sa opisina ng Philippine National Police (PNP) Aviation Security Group sa NAIA terminal 3. (froilan morallos)